Eat less. Simple lang. Kase overweight ako. Gusto ko maging healthy ulit. Saka mas maganda ang fit ng damit kapag payat. Saka naiinggit na rin ako sa porma ng kapatid ko. Gusto ko rin ng ganun.
Spend less. Malamang. Wala na kasi kaming pera. Baon pa si Mama sa utang sa credit cards at mga mamang nakamotorsiklo na dumadaan sa tindahan namin. Kaya bilang tulong na rin kay Mama, babawasan ko na ang paggimik, dahil hindi ko naman talaga kailangan yun.
Talk less. Hindi lahat ng tao e, makikinig sa lahat ng gusto mong sabihin, kaya iwas pahamak na rin, wag na lang magsalita at matutong tumahimik. Dahil kahit kailan, mahirap magmalasakit sa taong hindi marunong makinig. Sayang lang.
Listen more. Mas madali akong nakakapagformulate ng decisions kung nakikinig ako sa dalawang panig. Bilang isang well-rounded na indibidwal, kailangang hindi dapat nagmamadali sa pagpaplano o paggawa ng isang bagay. Kailangang pakinggan ng mabuti ang mga babala at payo ng mga taong nakadaan na sa landas na pupuntahan ko.
Do more. Sawa na rin naman ako sa kakasalita ng mga dapat kong gawin. Siguro ay dapat na akong kumilos upang makapagsimula ng mga dapat kong gawin sa buhay. Sayang kasi ang oras, kaya isasama ko na din sa resolusyong ito ang paggising ng maaga upang maging mas produktibo sa mga gawain.
Pray more. Eto ata yung kulang ko nung isang taon kaya hindi masyadong smooth ang 2010 sa'kin. Saka sa tingin ko, wala akong magagawa sa mga unang nabanggit kung hindi ko isasagawa ang huling resolusyon.
Ang boring pala ng pelikula kapag walang kontrabida. Walang debate kung puro affirmative ang nagsasalita. Walang pwersa kung walang sumasalungat.
Ilan lang yan sa mga nakikita kong importansya ng argumento sa ating buhay. Maging pelikula man yan, debate o pisika, para bagang nakakatulong ang argumento sa ating buhay. Mas masaya naman talaga ang lahat kapag may dalawang panig. Maging mainit man ito o malamig, sumasang-ayon o hindi, malaki o maliit, o ang pinakapangkaraniwan at pinakasikat sa lahat, ang kabutihan o kasamaan. Oo, iyan ay makikita mo sa bawat pelikula, bawat yugto ng buhay ng tao, o maging sa mga nobelang binabasa mo sa bahay mo.
Pero hindi ako magsasalita kung saang panig ba ako. Kase alam ko naman kung saan talaga ako pupulutin. Yun nga lang, ayoko lang na hindi ako desidido sa bawat hakbang na ginagawa ko. Ang mahalaga lang naman kasi ay hindi kung mabuti o masama yung ginagawa mo. Ang mas dapat mong problemahin, e kung handa ka ba sa mga kakaharapin mo sakaling magpakabuti ka o magpakasama.
Mahirap magpakasama. Akala mo ba ganun lang kadali yun at yayaman ka na agad? Hindi yun gaya ng inaakala mo. Marami ka ring pagdadaanang hirap at sakit. Hindi porke masama ka e automatic, yayaman ka na agad o giginhawa ang buhay mo. Hindi yun package deal. Pinaghihirapan din ng mga masasamang tao ang mga nakukuha nilang yaman at salapi. Ang hirap kaya kalimutan ang konsensya na pilit na bumabagabag sa iyo gabi-gabi? Kahit na sabihin mong bingi ka pa, hinding-hindi mo pa rin matatakasan sa sarili mo, na alam mong masama ang ginawa mo. Kaso kapag nakuha mo na ang kapital mo sa paggawa ng masama, e okay na. Tiyak tuluy-tuloy na ang pagdaloy ng salapi. Kung itatanong mo sa'kin kung anong puhunan yun, e napakasimple lang naman. Konting yabang lang.
Mahirap din magpakabuti. Akala mo ba ganun lang kadali yun at makukuha mo na ang simpatiya ng karamihan? Marami ka ring pagdadaanang hirap at sakit. Hindi porke mabuti ka e automatic, giginhawa na ang buhay mo at makikisimpatiya na ang mga tao sa iyo. Hindi yun package deal. Pinaghihirapan din ng mga mabubuting tao ang mga nakukuha nilang yaman sa langit. Ang hirap kaya labanan ng tukso na pilit na bumabagabag sa iyo gabi-gabi? Kahit na sabihin mong bingi ka pa, hinding-hindi mo matatakasan sa sarili mo, na alam mong naghahangad ka pa ng ibang bagay. Kaso kapag nakuha mo ang kapital sa paggawa ng mabuti, e okay na. Tiyak tuluy-tuloy na ang pagdaloy ng kayamanan sa langit. Kung itatanong mo sa'kin kung anong puhunan yun, e napakasimple lang naman. Konting kababaang-loob lang.
Napakasimple at napakalinaw. Maayos ang pagkakaplantsa ng mga detalye tungkol sa kabutihan at kasamaan. Kung iisipin mo lang ng mas malalim at mas taimtim, tiyak ko, kaya mong makita ang dapat mong puntahan. Kaya good luck na lang sa maswerteng mapipili mong landas. Kaya mo yan.
Ang saya ng buhay. Lahat ng nakuha mo, mawawala na lang bigla. Pagkatapos ng lahat ng paghihirap mo para makagraduate, maiipit na lang bigla yung ulo mo sa microwave, tapos mamamatay ka. Pagkatapos mong manalo ng 300 million sa lotto, bigla ka na lang mababagsakan ng kung ano sa ulo at mamamatay. Kung paanong naipit yung ulo mo, at kung ano yung bumagsak sa iyo, hindi ko na alam. Pero isa lang ang alam ko, tiyak ako, mamamatay ka rin. Hindi sapat yung panonood mo ng bampira-bampira diyan para maging imortal. Kahit ilang litro pa ng dugo ang inumin mo, hindi ka makakatakas sa bestfriend mo. At yun nga si Kamatayan.
Bakit kailangan mo pang maghirap gayong mawawala rin naman? Bakit pa di ba? Bakit ka pa tataya sa lotto? Bakit ka pa mag-aaral? Kung sa isang iglap lang, mawawala ka rin naman. Sayang naman yung 20 years na ibinuhay mo kung pagdating mo ng 21 e, mabubulunan ka ng lechon sa birthday party mo. Kaya naman ganoon na lang kasigasig ang mga mananaliksik natin upang mapahaba ang buhay ng tao. At gayun din naman kasigasig ang kalikasan na magpadala ng lahat ng uri ng sakit upang ipaalala sa atin ang ating mortalidad. Kung dati, tigdas-tigdas lang, trangkaso at saka sipon ang sakit, ngayon, umisip ka lang ng parte ng katawan mo, dugtungan mo ng "cancer", sakit na yun. At hindi sila napapagaling ng mga hot compress, maraming tubig at pahinga. Libu-libong piso pa ang kailangan para lamang mapabagal ang pagkalat ng sakit. At sadyang hindi natin maiintindihan ang kabalintunaang ito, kung saan nagtatrabaho tayo upang makaipon para sa hinaharap, gayong ang hinaharap nating kamatayan ay hindi naman natin pinanghahawakan.
Ang saya ng buhay. Pero marahil tama sila. Silang gustong magbaril sa sentido, magbigti sa double deck, magpigil ng hininga, o kung bakla ka, maglaslas ng pulso. Kasi hindi na nila alam ang gagawin sa buhay nila at hindi rin sila sigurado sa hinaharap kaya yun na. Kalahating segundo lang tapos na. O kung nagbigti ka, siguro mga 15 minutes at medyo masakit pa. Ang proproblemahin na lang ng mga naiwan mo e, yung kabaong mo, yung lote na paglilibingan mo, pero pagkatapos nun, pahiga-higa ka na lang. Panood-nood ka na lang sa mga tao, depende nga lang sa'yo kung sa upper box ka o sa lower box ka nakatingin.
Ang saya ng buhay. Sayang din naman kung wawakasan mo di ba? Marami ka pa sanang gustong maranasan. Ako nga, marami pa e. Kasama na diyan yung pag-graduate, pagkakaroon ng maraming pera, at pagbabonding kasama ng pamilya, na hindi ko magagawa kung nagbaril ako sa ulo. Kahit na hindi ako sigurado kung aabot ba ako ng graduation ko, kung mananalo man ako sa lotto o makapagpapakasal sa mayamang babae, o kung kumpleto pa kami pag naisipan kong makipagbonding sa pamilya ko, nandoon pa rin ang pag-asa na mangyayari ang lahat ng ito. Kahit na hindi ko pinanghahawakan ang hinaharap, naniniwala pa rin ako na makakamit ko ang aking kasiyahan sa buhay na hindi ko kailangang magbigti or whatsoever. Kasi nga naman sayang. Malay mo di ba?
Kung ako nga na hindi gagraduate ngayong sem na ito, may pag-asang mabuhay, ikaw pa kaya? Hindi ako nakikipagpaligsahan ng hirap. Sinasabi ko lang at ipinakikita sa iyo ang pag-asang kailangan mo. Sapagkat sa mga pagkakataong wala kang kasiguraduhan sa mga nangyayari sa buhay mo, kailangan mo lang ng determinasyon at inspirasyon para makatuloy. Hindi mo kailangan ng pera at diploma para ipagpatuloy ang buhay mo. Sapagkat ang tagumpay ng tao ay hindi nasusukat sa numero at marka. Hindi halatang ayoko sa Math pero, marami na rin ang makapagpapatunay sa sinabi ko.
Ang dami mong pwedeng gawin. Hindi ang numerong "5.00" ang nagdidikta sa buhay mo. Kahit na sabihin mong anim pa yan, hindi yan dapat makapagpatigil sa tibok ng puso mo. Bobo ka man sa tingin ng marami, o pabaya ka man sa tingin sa magulang mo, hindi yan ang halaga mo bilang tao. Umapaw man ang panghihinayang mo sa sarili mo, o parang wala lang sa iyo, hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Sapagkat ang saya ng buhay.
Sa ating mga Pilipino, ang Pasko e, season of giving. Season kung saan hindi ka pwedeng magdamot. Panahon kung saan nagtitipon-tipon ang lahat para ipagdiwang ang pagdating sa mundo ni Hesus. At dahil sa engrande ang birthday na pinagdiriwang natin kapag Pasko e dapat big time din ang mga handa at regalo. Nandiyan ang monito-monita,exchange gift at kris-kringle, na iisa lang naman ang nais na iparating sa atin. Na kailangan nating magbahagi kung ano ang meron tayo para sa iba.
Ang saya ng Pasko. Tiyak marami na naman akong papaskuhan kasi apat na ang inaanak ko. Hindi ko lang alam kung ano ang nakita nila sa akin para kuning ninong dahil wala naman akong pera. Hindi pa nga ako gumagraduate. Sabi pa nila, saka na lang daw ako bumawi kapag may trabaho na ako. Kaso hindi ko lang alam kung paanong bawi ang gagawin ko para sa kanila.
Syempre, hindi lang naman yung mga inaanak mo ang kailangan mong bigyan ng regalo, andiyan yung mga namamaskong trip lang at mga kaibigan mo. Although optional yung mga kaibigan, yung mga namamaskong trip lang, hindi mo pwedeng tanggihan. Kung dati yung mga nagsosolicit sa'yo, ang daling sabihan ng "Wala po.",ngayon ikaw na ang mahihiya sa sarili mo. Tipong Pasko na tapos, wala pa rin akong maibigay, pwera na lang kung talagang saksakan ka ng damot. At huwag mo nang sabihing practical ka. Na mahirap ang pera ngayon. Madamot ka lang talaga.
Pag Pasko,nawawala yung mga humihingi ng tulong at nagsosolicit. Dahil nagpapalit sila ng anyo bilang mga nangangaroling at namamasko. Sapagkat sa panahong ito, buhay na buhay ang espiritu ng pagbibigayan ng mga tao. Pwede kang magbigay ng kahit ano. Pero kung tarantado ka, yung gamit na brief mo, pwede. Konsensiya mo na lang kung anong sakit man ang mapulot nila dun.
Napakaganda ng mensahe na ipinaabot sa atin ng Pasko. Sapagkat kung paanong binigay ng Diyos si Hesus sa mundo sa pamamagitan ng Pasko e, inaanyayahan din tayong magbigay ng pinakamahalaga sa atin sa mga tao. At walang discrimination yun. Hindi sinabing ganitong porsiyento lang ang ibigay mo. Walang listahan at credits. Walang praktikal-praktikal. Kung praktikal ang Diyos, malamang kinilo muna si Hesus, bago dinala dito. Malamang may listahan kung sinong ililigtas,yung tipong pamilya lang namin, ganun. Pero hindi ganun, walang exception.
Kaya naman sa darating na kapaskuhan, gawin naman nating makabuluhan ang pagdiriwang ng Pasko. Magbigay tayo para sa iba. Sapagkat mahirap umakyat sa langit kapag mabigat ka at marami kang dalahin.
Maging isang lisensiyadong inhinyero. Magkaroon ng sariling bahay at lupa. Magkaroon ng sasakyan na gagamitin sa pang-araw-araw na lakad. Mapag-aral ang bunso naming kapatid. Mapagtapos ng medisina ang ikatlo kong kapatid. Magkaroon ng trabahong marangal at maipagmamalaki. Magkaroon ng pagkakataong makatulong sa iba, gamit ang mga biyayang pinagkaloob sa akin. Magkaroon ng pagkakataong maibahagi sa iba ang kaalamang natamo ko sa karanasan at kaisipan. Mabigyan ng maginhawang buhay ang aking mga magulang.
Sa unang tingin, simple lang talaga ang mga bagay na ito, subalit may kaakibat itong napakalaking responsibilidad. Dahil bawat isa sa mga ito ay nangangahulugan ng kasiyahan ko sa buhay.
Hindi madali sa karamihan sa atin na hanapin ang kaligayahan sa buhay, dahil marami ang hindi makuntento sa kung ano ang mayroon sila. At marami rin ang mga tao na hindi alam kung anong bagay ba talaga ang makapagpapasaya sa kanila. Kung sa mga bagay na ito ay wala tayong kasiguraduhan, ay tiyak na hindi natin mararating ang ating hinihiling na kasiyahan.
Sana sa pagkakataong ito, ay makamit ko na ang pre-requisite ng mga pangarap ko. Kailangang makatapos muna ako, bago ako maging masaya. At dahil dito, ibibigay ko na ang lahat ng dapat ibigay para sa aking pag-aaral. Hindi ko na dapat ipasawalang-bahala ang aking kasiyahan, sapagkat kung hindi ko makamit ang isa rito, hindi ako magiging masaya.
Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin pagkatapos kong banggitin ang mga salitang ito, pero... sa pagkakataong ito, kailangang magsakripisyo ako ng ilang bagay upang makamit ko ang mga bagay na ito. At ang first step.
Hindi muna ako magkakagirlfriend. Lahat ng babae ay kailangang maging mesa,armchair, sofa o kaya naman ay kahit anong kasangkapan na hindi makakadistract sa akin sa pagtahak sa lugar na nais kong tahakin. Pero mukhang kailangan kong irephrase ang first step, dahil wala namang may interes sakin na maging boyfriend nila, kaya naman... Hindi na lang muna ako magmamahal ng higit sa pagiging kaibigan.
Good for 5 years ang vow ko. Para rin akong nag-engineering. Dahil alam ko naman na para rin to sa sarili kong kasiyahan. Ito ang paraan ko ng pagselyo sa mga kailangan kong maabot na pangarap.
In about 25 days, I will be celebrating my 21st birthday. Di ko alam kung maeexcite ba ako o ano, pero sa tingin ko naman, my birthday would turn out just fine. I am really looking forward to the gifts that I would receive. Pero siyempre, hindi lang material gifts ang hangad ko. Marami pa, at hindi human benefactor ang gusto kong magbigay sa'kin ng gift, kundi si God.
Yeah, it may be too much, pero what is wrong about looking forward about God's gift on my birthday? I just hope na I could learn something from what He will give me. Pero ayoko na ring isipin yun at baka maging spoiler pa. So I'll just leave it to Him, about the gift.
The first 2 paragraphs are just "papansin" lines na gusto kong sabihin kasi yun nga, malapit na ang birthday ko. But really, I just want to ask people on what they do when they reach the age of 21. Di ba debut ng mga lalaki yun, kung ang babae sa 18, di ba kami 21? And that is the point here, when guys reach 21, are they really mature enough?
Meron akong isang kaibigan, 21 na siya, pero parang hindi ko alam kung may pagka-immature siya or whatever. Kasi naman meron siyang girlfriend na medyo psycho (wag lang tatamaan, sige ka, guilty ka!) na tipong sobra kung makapagtantrums. Daig pa ang grade 1 kung sumpungin. Parang ngayon, okay tayo, tapos mamaya hindi na. Parang red ngayon, mamaya green na, tapos magagalit kasi naubusan siya ng blue na crayola. Hindi mo talaga mape-predict kung ano ang gusto niya. Which made me wonder, that even after 18, girls can really be immature sometimes, and age really don't dictate maturity.
The same twenty-something girl can marry a decent man her age. She could be responsible and industrious. But then, pwede rin namang mag-isip 15 ang babae kahit 20 na siya. So, really it's just a matter of choice on how you want to act on a certain situation. I know a 17-something girl, that is really serious about her goals in life. I know a 21-something girl, who really doesn't know what friendship is really like. And yes, I know a 20-something girl who would throw away her life for love.
This composition really is presumptuous. Saan ka ba sa kanila? I know many can relate to experience being the best teacher, but really it comes down to rational thinking, not experience. You can be in 5 relationships, but still don't know anything about love or relationships. You have experienced it, but you haven't thought of it. Wag mong sabihing marami ka nang naranasan, dahil kung hindi mo naman pinag-isipan lahat ng naranasan mo, wala rin yan. The experience is good, but the lesson is the most important element of it. Without that, you cannot possibly say that you matured enough.
You don't have to experience "mature things" to be mature. You, for yourself, should decide what is best for you. With full responsibility with your own choices, only you can call yourself mature in handling your life. But with hugging uncertainty with your own decisions, you are just surrendering your life to experience. You should experience life. Don't make experience as life itself.
"Give me a pen, the pitcher of my emotions, and a piece of paper, the glass to pour my heart into. And I shall be in peace." - from someone I personally knew back then
People have different reasons on why they write. Many write for their personal rehabilitation (to express what they feel,etc.), some write for their advocacy and beliefs (persuasion purposes) and few write for challenge (writing to smash old beliefs, etc.), but whatever the reason one uses when they write, they still utilize the same raw material. Yes, and that raw material is a fragment of our mind. Whenever we write, we always give out a chunk of our brain for people to talk about and argue into. Writing always involve thinking on our part, that's why it has the note of profundity whenever we read something that is written. A gift of being deep. As writers, we set out to something deep, in order for us to catch the "fishes" that has been in the ocean but wasn't caught.
Writing is not easy. In fact, it became dangerous. Here in the Philippines, journalists are being killed almost once a month for writing something. For merely sharing your thoughts in the public, people get too agitated and kill those writers. And why is that?
People are afraid of the truth. Most people would like their lives to be surrounded by lies and kept on doing the same wrong thing everyday because that is what feels good. To forsake the truth and to make something out of a lie is utterly unforgivable. They don't realize such things because of the fact that people really are too much of a sucker when it comes to comfort. As long as something feels good and at their eyes, it is good, then people would do everything at their power to stop the proliferating of the truth. They kill(or pay someone to do it),steal, cheat or threaten the people who try to stand up for the truth. And the ones who do that are the writers. Yet most people consider writing as a passive job, where it does not involve too much effort. But in contrary, it really does involve that much effort.
If you value your life, don't become a writer. Or to be precise, don't write something that would clash against someone else's beliefs. But then, I value my integrity even more, so I have decided to write everything that I feel is right on paper. I have been on the defensive for too long. This is the perfect chance to turn those tables around. I will not make people side with me. I will not beg you to understand. Nor will I ask the reason why I am being blocked on social networking sites. I will manifest the true power of my sacred pen and paper.
Altruism is selfless concern for the welfare of others. And this is somewhat seen and viewed as something good because of its nobility.
But I’m not talking about its greatness or whatsoever, because without question, it is a virtue. I will talk about on how it is seen in the society today.
That line from “Your Guardian Angel” clearly speaks on what is it all about, and really, it sucks to see some people overdoing it, believing it is the right thing to do. Because in order to sacrifice to do some selfless work, we need to:
see what is it that influences us to be altruistic. (because when we are driven by the wrong motivation to sacrifice ourselves, then our sacrifice would be in vain.)
make it a point that it should be able to influence a great deal of change. (because it’s ourselves we sacrifice here, so we might as well consider a considerable outcome.)
Otherwise, it wouldn’t be wise for us to sacrifice ourselves in such a way that we just jeopardize for nothing. We should remember that before we jump into the fray, we must be able to know what we will do. Because jumping out there without doing anything is just plain stupidity. A reason like ” I did it because I love her” would not suffice. Sacrificing ourselves is not some show to be gallant or chivalrous, it is a choice made by us, because we want something to change or to bloom.
I remembered my experience with this caramel sundae, when we were eating at Mc Donald’s on the Farmer’s branch. I wasn’t aware of this kind of dessert because the Mc Donald’s near the school doesn’t offer them. I was surprised when two of my friends ordered it and wow, it’s really tempting to eat one. And that’s how it started.
I never knew that this ice cream can really pack a punch, because I am already used to something that is on my reach. But it pays off that when we try something new, because there is always a possibility that it could surpass that something that we are already used to.
I would like to thank that caramel sundae for teaching me such wonderful things.
“The longest journey you will ever take is the 18 inches from your head to your heart.”
This status message inspired me to write something like this, so in love, we really have to take that journey. And that journey is what I would be talking about.
So at most, meron dapat tayong idea on how we could make it a point so that we can determine na in love na nga ba tayo. Which is very tricky. You can be in that certain point na akala mo love na, pero chances are infatuated ka lang. Para ka lang kumain ng choco hot fudge, sa una, sobrang tamis at sarap, pero kung sa lasa ka lang naka-fix, malamang-lamang magsawa ka rin dun. At ano ba naman kung magsawa ka sa choco hot fudge, di ba? Pwede ka rin naman umorder nun ulit, pero pre, ang pag-ibig, hindi ganun e. Merong chance na makuha mo ulit , pero merong chance na hindi na. So in order for that na maayos natin, we have to verify kung tama ba talaga ang ating nararamdaman. Kasi once na pumasok tayo sa isang bagay na hindi tayo sure o masyadong naniniwala, wala ring kasiguraduhan ang kalalabasan ng bagay na yun.
Which is contradictory to “some things are best left with a little bit of uncertainty”, na I kept on speaking about on my formspring account. Pero you know what, this statement is only used so that we can cover up for the truth na alam na natin, pero ayaw lang natin I confirm, so we must be able to muster up our courage and convey our feelings effectively. Kailangan panindigan natin yung pinaniniwalaan natin, na in such a point that even things don’t go our way, our beliefs don’t get shaken. This is really important, dahil I would speak about my opinions and if my opinions clash with yours, then I hope na hindi tayo magpadala sa emotions mo.
So to start, we have to determine that path point kung saan ba nagsisimula itong love na ito. To us, it follows an irreversible path na kapag napuntahan na natin, e hindi natin kayang balikan. And base dun sa ating status message, there is a journey that it traverses bago ito maging “love” that we see today. It all starts in the mind. Yes, dun muna siya mag-uumpisa, it is when you think of these feelings na para sa iyo, bigla mo na lang naiisip. For example, magkaibigan kayo then you suddenly begin to think na you could take it to the higher level and you suddenly think of things like “Wow, she could be my girlfriend.”, something like that. And when it comes to that, you begin to feel flustered when she’s around, you begin to be careful with the words you say and then that’s it, you move on to the next stop over.
Four to five inches below the mind is the next stopover. Dito na magkakatalo and this probably is the best argument that I could give to all of you. It flourishes through our words. Kapag hindi na kaya iprocess ng utak mo, it goes across to the mouth wherein we convey our feelings. These feelings na nasasabi mo like “I need you” and “I love you” are first processed in your mind. Then masasabi mo na siya, not only to yourself, but to other people as well. Pwedeng sinabi mo sa bestfriend mo kung medyo nagdadalawang-isip ka, or kung medyo matapang ka, sinabi mo nang direkta. The thing is, before love grows, it is first thought of and said. Then saka mo lang makikita through the next stop over kung talagang totoo ang love na yon.
And of course, fourteen or thirteen inches below is the point of application. At eto na ang stopover na pinakaimportante sa lahat. The heart. It is nurtured by our heart. Dito mo na mararamdaman yung sakit kapag may kasama siyang iba, nagseselos ka kahit hindi kayo, at dito mo mararanasan na nakukumpleto ang araw mo kapag nagkikita kayo at nakakapagusap. Ang pinakainfluential part ng katawan na nagpapump ng dugo sa ating utak, at other organs ay dito na magsisimulang magtrabaho. Kaya kapag narito ka na sa stopover na ito, malamang mahihirapan ka na dahil umapaw na sa isip at salita mo yung nararamdaman mo, so eto na nga yun. In love ka na. At ang puso, siya na ang magme-maintain niyan.
And lastly, the final stop over, it goes down to our hands. Dahil hindi mo na mapigilan ang love, eto na, this is where it comes to, na you perform acts of love. Little sacrifices, big sacrifices, they are just the same. There is only one feeling that they want to convey. It is manifested by our acts. Which can really decide the fate of our love.
OMG. I never expected to write and think about this on just one status message.
Whoa. I am getting the hang of it. I don't want you to do anything out of hand. Soon, I will be able to keep up on this pace called life. And really, after I compare what was I like during the past few weeks, I can say I really did a good job. But there is one thing that I am really worried about. And it really freaks me out.
Yeah, there is this voice that kept on ringing on my head. It is asking me a repeating question that goes like, "Are you really sure it's okay to leave it like that?". I know I can answer that for sure, and I am pretty confident that it is a positive answer, but the feeling that it has been giving me all along says the opposite. There is this feeling that if I leave it like this now, I may not be able to regain something really important.
And that made me think. Maybe that something important was friendship. I won't be able to regain the favor of those two. But then, I cannot help it. It seemed that in their relationship, they have to put friends aside to make things work out, which is a concrete example of a exclusive relationship. And really, I hope things will work out well, as they push people away from them, focusing on themselves only.
I am really stupid on worrying about other people when I have even grave worries myself. I just hope these people that I worry about can live on, without knowledge that someone really cares for them behind those shadows of misunderstanding. When trying times come, I will prove that I am worthy of being called your friend. Even if it costs me my stance.
Apology is never easy. It seems that conflict really is inevitable during these days. Whether you say something or nothing, people would have an idea on what you are thinking and what you are trying to say. But then, it simply doesn't add up, because most of the time, those perspectives were wrong in the first place.
I have to admit, having someone so cross about something I did, really gets on my nerves. It pressures me to think, and to plan what will I have to do next. It bombards my questions with numerous questions that are unanswerable by me but I kept on thinking about those answers even though I know it is hopeless.
And these few days, people are adding up to my pressures. And I can clearly say it's not my fault. My conscience is clean. But I think, in one way or another, I think my only error was attaining that level of closeness with them, even though it seemed impossible at first. Sorry for being so ambitious. I guess those pretty girls won't understand the troubles of a normal guy. But nonetheless, I am really sorry. But I know, it won't suffice, so why say it?
I guess even the "Death Note" has its own rules. Even that perilous power that grants control in others' lives is still bound by the rules. And I can't help but wonder on what would it be, if it has no rules? It would be more chaotic than what happened on the series. So it has to stick. Rules really are important.
I observed that people really don't follow rules. Majority would enjoy breaking them instead of upholding them. And the people who breaks them, would be the same people who would shout to advocate for upholding and observing them, which makes it so damn paradoxical. This makes things so hard for everyone to believe that rules are necessary guidelines to follow. Since these rules "limit" the amount of power we can possess, we could consider them as hindrances for our progress.
I know that rules are incorporated in our life. And I have that reverence on the relevance of these rules that is a "standard" for me to measure, whether what I believe in is right or wrong. But it seems that lately, my vision on what is right or wrong has been impaired. Maybe such things that I consider correct are erroneous when we consider other people's outlook.
I know that God can clear it up for me. I know He can do it. But please, let me feel that reassurance that I could make it better and I could sculpt things according to my own responsibilities and actions. Send someone. Send my angel, for I am tired being somebody else's.
I need desperate help. I am receiving support from friends, but I don't think that they understand me. Please. I know the right thing to do, but they couldn't stop talking. As if pressuring me to straighten up. I know exactly what I need to get up. I know that what I am doing now isn't helping me at all.
I need to regain my focus. But it seems that words from somebody's mouth cannot get me unto action. So please, if there is someone out there, who won't scold me, who won't tell me off, help me somehow. Because even by my own intellect, I cannot figure it out. Maybe you can. Or maybe we can.
I know that it’s not like you to throw insults (things) to me. Sooner or later, I know everything will turn out alright. Wherein we can be friends like before. We could laugh again, take pictures, go to happenings and talk like there’s no tomorrow. I know it’s really damned hard, it’s close to impossible, but then, I’ll still hold on to your words when you said I am a good friend that you can count on.
Even though I screwed it all up, when I fell for you. I’m sorry I can’t help it. I’m sorry I couldn’t control it, when you always listened to me and made me feel special in your own little ways and words. I’m sorry for being greedy, for not being content of our friendship, that I took a step toward something beyond my reach.
" Ang tunay na kaibigan ay katulad ni Doraemon. Kapag humiling ka, tatanggi sa una, pero hindi ka din matitiis. Sasamahan ka din sa mga kalokohan mo. Sasakay din sa mga kagustuhan mo. Pero sa bandang huli, tuturuan ka pa rin ng leksyon para malaman mo kung ano ang tama."
And then that's it. How sweet. But so hard to achieve.
Sana ganoon na lang kadali ang magturo kay Nobita. Sana hindi na nya kailangang maranasang pumutok yung makinarya ni Doraemon para lang matuto. Pero anong nangyayari? Para lang matuto, kailangan pa niyang masuntok ni Damulag, masampal ni Shuzuka, maloko ni Suneo, at mapagalitan ng nanay nya.
Pero tama lang naman. Kasi kung matututo si Nobita kaagad, e di sana wala nang episode 2 yung Doraemon. Kung nakuntento na si Nobita, wala nang ilalabas na gamit si Doraemon. Kung sana hindi na lang siya naghangad ng mga bagay na alam niyang hindi makabubuti para sa kanya.
Sana pwede kong isipin ito sa totoong buhay. Sana ganoon na lang din. Kaya ko sanang manood na lang muna para matuto si Nobita sa mga kasalanan niya. Pero hindi e. Wala sa kakayanan ko na manood na lang at hayaan ang kaibigan kong masaktan ng hindi ko siya pinipilit na itama. Alam ko namang tinatama ni Doraemon si Nobita, pero naisip kaya ni Doraemon na iwan na lang si Nobita? Siyempre, hindi gagawin ni Doraemon yun. Kasi tunay siyang kaibigan. At para sa atin, iyon ang basehan ng pagiging tunay na kaibigan.
Ang hindi ka iwan sa kahit anong ginagawa mo. Ang walang sawang pagpayuhan ka kahit na hindi ka nakikinig. Ang patuloy na magbigay sa iyo, kahit na alam niyang makasasama sa iyo. Ang patuloy na tumayo sa tabi mo, magsabi ng "Kung saan ka masaya.", kahit na alam niyang sa sarili niya ay tinatapakan na niya ang sarili nyang paniniwala. At iyan nga ang tunay na kaibigan. Sana nga.
Pero sana tandaan mo, hindi tulad ni Doraemon: Wala akong magic bulsa. Hindi ko kayang ilabas lahat ng hinihiling mo. At isa pa. Hindi ako robot. Madali akong malungkot at makaramdam.
Let us see what happens when something does not go in our way. For example, a heartbreak.
YES. A heartbreak.
What will we do?
Most of us will say, "I can't help it, I fell in love." Typical. Absolutely. But of course, it isn't right.
First, it puts love on a negative pedestal. It's like I fell in love, so I can't help it when I lie, kill, cheat and steal because I did it for the one I love. And personally it really ticks me off. It's like love is a mental sickness, which causes someone to see things in a different perspective. In the name of love, lying is "protecting the truth so we can be together" , killing is "protecting her and our love", cheating is "fighting and preserving our love against all odds" and stealing is a "way of provision".
This is unfair.
Because by this love, Jesus died in the cross for us. But we regard it as a mental sickness, a camouflage to sin and an excuse on not doing what is right.
Second, it goes to show that love is uncontrollable, even by our own intellect. Well, how can we ever deny this? We kept on having this battle within our own selves that love and the mind are in two different paths. That might be true. But of course, it is by your own knowledge that you take the path. You know it's wrong. Your friends tell you it's wrong. But you insist. You do it because you cannot control the feelings that made you choose. And that was very much disappointing. It only goes uncontrollable when you let yourself get controlled by it. Because love is both a decision and a choice. It is not in the context of choosing, but deciding if ever you can cope up with your choice. Yet most of us, do the exact opposite.
Please. Poor love. It gets blamed whenever people make the wrong choice in their lives. Because of their faulty decision making and poor discernment, love gets degraded and cursed. When it shouldn't be. Look it up on God's dictionary. Love isn't something like a mental ailment. Jesus didn't have psychological problems being nailed on the Cross. So please, let us spare love on harsh judgments. When your intellect fails, admit it. :)
It was a rare occasion. My friend and I were talking about this girl who allegedly lost her virginity at 14, and even posed indecently for some photos. Although it was just haters’ mail, we came up with the discussion about the plummeting morality of the youth today, and sadly, most of these youth were Christians. Yeah, and damn it, I am one of them.
Sa barkada namin sa Don Bosco, ako yata ang nagpapaumpisa ng mga ganitong usapan, mga rumors about relationships and certain stuff, and I would vocally ask my friends, “May nangyari na kaya sa kanila?” Minsan nga hindi pa ganyan kaswabe ang pagkakatanong. Minsan sobrang improper, like, “Natira na kaya ni (pangalan ng guy) si (pangalan ng girl)?”. And really, it was really saddening na kahit ako, kasama pa at guilty sa mga ganitong kasalanan.
At ang pinakamatindi kong mga kasalanan would be consenting and sometimes advancing to other girls’ touches. Sino ba naman ako para tumanggi? Kumbaga sa’kin, komportable naman ako, saka as long na hindi ako yung nag-iinitiate, siguro wala namang kaso sa’kin yun. Pero the thing is, meron pala akong pagkakamali. It’s the fact that I welcoming these advances would be like, welcoming opportunities to sin as well.
Natuwa din ako dun sa sinabi nung kaibigan ko sa formspring nya. Sabi nya kasi dun, sa “touchy times” daw nabubuo ang closeness ng dalawang tao. And all I can say was, “What the hell?” to myself. Kahit naman siguro sino, gusto ng holding hands, yakap at mga occasional na halik, pero the point is, kung ito ang gagamitin natin to establish an initial surge of closeness, we could be successful, pero it won’t last that long. Let’s see, kunwari, at nagyakapan na kayo, at hindi pa kayo, and then what? You felt so close to each other. It felt so right. Nawala ka na sa focus, you got yourself focused on the feelings. At dahil sobrang sarap mayakap, uulitin mo na nang uulitin yon. Kasi naman hindi lang sa puro yakap umiikot ang pagmamahalan. It’s all about keeping each other’s purity. (I Kissed Dating Goodbye and Boy Meets Girl) Eventually, hindi lang kayo matatapos sa yakap. Paano na kung kayo na, malamang gagalaw na yung yakap. Magiging moving hug na. At sooner or later, mawawala ka na talaga sa tamang pag-iisip.
Idadahilan mo naman sa’kin ngayon na ang hug ay “expression”: ng love at friendship. At wala kang masamang intention sa pagyakap mo sa kaibigan mo. At sasabihin mo din sa akin na marumi ang isip ko dahil pinapagalaw ko yung harmless nyong yakapan. Well, you are partly right. Pero I would like to present you with this option of answering an argument. Halimbawa, wala akong intention na patayin ang isang tao, pero galit ako sa kanya. So, kailangan kong iexpress ang galit ko, to the point na araw-araw ko siyang tututukan ng baril. Okay lang ba iyon? Confident naman ako sa ability ko na hindi iputok ang baril kasi alam kong mali ang pumatay, pero for the sake of expression lang, gagawin ko. E kung itulak ka ng kapwa ko, o kaya naman walang nakakakita sa’yo, okay lang kaya? Hindi mo alam ang pwedeng mangyari. Do not do everything that your emotion tells you to do, because it has long term consequences and responsibilities.
Huwag na tayong maglokohan. If it really is harmless, then so be it to your opinion. Pero you can’t deny na masarap ang mayakap o ang mahalikan. Bakit ba kaunti lang ang makapagsabi ng “Let’s not do this… I am disgracing your purity.”? At syempre, hindi ako kasama diyan sa mga nakakapagsabi niyan.
Simple lang naman ang hinihiling ng Diyos sa atin. Let us cut sin from its root. Kumbaga, makita mo pa lang na may chance na umusbong, putulin na natin. Wag nating ipagsawalang-bahala. Kung kailan may bunga na, saka natin puputulin. Kasi nung maliit pa, parati nating sinasabi, “Wala namang ibig sabihin ‘to eh. Friends lang kami…”.Hayan, saka ka mag sisisi ngayon, dahil nahihirapan ka nang putulin, kasi friends lang kayo, pero may anak kayo. Nice.
Lahat ng maganda nating nararamdaman would be best enjoyed at the right time. Mahirap yung malamig, tapos nag-a-ice cream ka na. Malamang ma-brain freeze ka niyan. Yung tipong ang lamig-lamig, tapos yelo pa yang kinakain mo. Ang takaw mo, tsong. Nagdadahilan ka pa na, walang basagan ng trip, pero di mo maikakaila sa akin na wala ka sa panahon. Oo at masarap, pero iba pa din yan kapag mainit ang panahon. Pero wala e, sa sobrang atat mo, hindi mo na hinintay mag-summer. Pero kung hinintay mo, then there would it be truly rewarding. Saving something special until the right time to savor it would come. And maybe, just maybe, that right time could be marriage.
Which is better? And what is best? So, the point is: lagi kang may pagpipilian. Kahit saan, di mo maiiwasan ang ganitong mga bagay. Yeah, even in our homes, schools or in the comfort zone of our barkada, it’s always inevitable to choose. I really have to hate myself by doing this, nasobrahan din yata ako sa boredom dahil sa suspension of classes by the Influenza A H1N1 virus. But a case in point, I chose to type in a few letters and this is it! The first blog entry made by me. If you will ask me, what will you benefit by reading this?
The answer: absolutely nothing. Baka mainis ka pa nga sa pagmamarunong ko, o baka naman matawa ka sa mga kabaliwang sinasabi ko. Well, these are my frustrations in my 19 years of living and existence. The fruit of my 14 years of coming to school, and the pinnacle of my writing career and I hope as years multiply, I would be able to do more of these things.
First things go first. I already gave my age, I’m 19, and I’m currently taking up ECE, hoping to be a licensed engineer someday. Let’s leave it at that. So, what will I blabber about today? I’m bored at home, and I CHOSE to write up this crap. It’s not I hit the CAPS-lock key accidentally, but it’s about emphasizing the word “chose”. Dapat alam na natin ‘yon. Grade 3 pa lang yata ako alam ko na yung rootword ng chose ay “choose”. Pero it took me this long before I even had a hunch on how important this word is. OO, I’ll talk about the importance of choosing in our life.
Okay, time to preach some serious things right here. No laughing, please. Anyway,sa buhay, talagang kailangan mong mamili. Kaninang umaga nga, pinili kong lumanghap ng hangin, kaya eto nakapagsulat ako. Pero pwede rin namang wag na lang akong huminga kaninang umaga, e di sana wala ka nang babasahing ganito ngayon. At katulad ng nabanggit kanina, wala, di mo talaga matatakasan ang pagpili. Kapag may isip ka na, magsisimula na ang pagpili mo. Karamihan ng kabataan ngayon, itong pagpili na ito ang umuubos sa lakas at oras namin. Sangkatutak ang pwede naming pagpilian: mula sa cap ko sa ulo, hanggang sa sapatos mo, pinipili yan. Kung hindi man ikaw, o yung magulang mo, o kahit yung saleslady na medyo pakialamera, pinili pa rin yan. At eto na nga, dito na nagkakaroon ng problema, sa pagpili na ito. Kung sa inaakala ng karamihan, ganyan kababaw ang pamimili, nagkakamali sila. (Yes! Tama ako!)
Niyaya ko yung kaibigan ko nung isang araw na mag-DotA, (devil’s advocate ako!) wala kasi akong klase pero siya meron. Ayaw niya nung una, pero nung huli, pumayag din. Pinili nyang wag pumasok, kasi first meeting pa lang daw. Sigurado akong di alam at hindi iyon malalaman ng magulang niya. Absent siya sa attendance, may 1.5 hour na siyang absent, at malamang pag tinuloy-tuloy namin ang laro sa mga susunod na araw, singko ang aabutin niya. Alam ko iyon at mas lalong alam nung kaibigan ko iyon. Pero bakit kaya sumama ang kumag? Wala akong alam na sagot, isa lang eh. Masaya kasi mag-DotA, (at least para sa’min) kaya ipagpapalit nya ang first meeting para sa laro namin. Iyan ang malinaw na halimbawa ng pagpili. Titimbangin mo kung anong mas mahalaga para sa iyo at yun ang gawin mo. Madali lang naman di ba?
At sa sobrang dali, karamihan ng kabataan ay adik, delingkwente, maagang nag-asawa, maagang nabuntis at suwail sa magulang. Ganun lang kadali pumili. Pero tiyak sa pagpili natin, diyan tayo babagsak. Parang quiz lang yan. Kaso yung professor mo, mabait kaya isang tanong (essay) lang ang ibibigay nya sa quiz, at sa sobrang bait nya, dalawa lang babagsakan mo: it’s either perfect o perfect zero ka. Sa buhay, ganyan lang ang diskarte pamimili, pass or failed lang. Walang maybe o hindi ka sure. Pag hindi mo inayos, bagsak na. Yung kaibigan mo, nagshashabu, inalok ka, anong gagawin mo? Pwede mong tikman, “Uy, mukhang masarap ‘yan ah!”. Pwede rin namang “ Ayoko, ilagay mo kasi sa lalagyan.” Ang simple nung usapan, di ba? At sakasa pamimili, IKAW ang dapat mamili. Huwag mong ipasa sa iba ang dapat mong gawin. Pwede mo bang sabihin sa barkada mo na “Pre, ipili mo naman ako ng girlfriend, gusto ko yung ganito ha, yung tsinita na medyo maputi…” Alam mo naman pala, bakit yung barkada mo pa ang pipili? Tapos kapag nabulilyaso, sisisihin mo yung barkada mo. “Pre, di ba sabi ko sa’yo tsinita? Bakit si Donita Rose itong dinala mo??!!!” Hayan. Dyan nagsisimula ang karamihan ng kapalpakan. Hindi mo pwedeng sisihin ang magulang mo kung bakit ka naging adik. Hindi mo pwedeng sisihin ‘yong girlfriend mo kasi nabuntis siya. Ikaw yung tumikim, ikaw yung tumira, tapos isisisi mo sa iba. Kawawang magulang, binigyan kasi ng drugs yung anak. Kawawang girlfriend, kasi hinigop nung egg cell nya yung sperm ng lalaki. Ano ba namang buhay ‘yan? Pilit nating ipinapasa sa iba yung mali sa pagpili natin. Kung inisip mo muna, na “Masisira ang buhay ko kapag tinikman ko ito” o kaya naman “Di muna namin ito dapat gawin kasi di pa kami kasal”, e di sana hindi ka naging adik at hindi nabuntis ang girlfriend mo. Parang quiz lang ulit yan eh. Kung nagreview ka, e di papasa ka. Walang swerte-swerte. Nagreview ka eh, tiyak kang papasa. Kung di ka pumasa, wala na sa iyo ang problema, nagreview ka eh. Sa buhay, kailangan din nating magreview muna bago pumili. Isipin mo muna. Wag mo idaan sa horoscope o toss-coin. Buhay mo yung pinag-uusapan, tapos i-totoss coin mo? Lahat ng pinagpipilian, pinag-iisipan.
Paano yung pinag-iisipan? Naalala ko tuloy yung kadorm ko na tinuturuan ako ng pusoy (pero, hindi ako natuto), lagi niyang sinasabi yung “good, better, best” na kailangan sa pag-aayos ng baraha. Natuwa ako dun, inisip ko, ah madali lang ito, at yun na nga, sa sobrang dali, hindi ako nananalo sa kanya. Yun, ganyan din sa buhay. Kung akala mong sapat na pag-isipan mo, ang pipiliin mo, eh nagkakamali ka na naman. (at tama na naman ako!) Anong kulang? Ganito yan, may nakita akong babae sa school, nung 9 years old ako, cute siya at mabait. Inisip ko na magiging maganda siyang kabiyak sa buhay, kaya ipagpalagay nating pinakasalan ko siya. Happily ever after na ba? Inisip ko naman bago ko siya pinili ah. E di dapat pasado na ako. Ano sa tingin mo ang mali? Bulag ka ba, 9 years old yung magpapakasal, malay ba niya sa buhay pag-aasawa? Baka nga hindi pa marunong ng 1+1 yun eh. Ganyan din sa buhay. Hindi sapat yung inisip mo lang, dahil may tamang oras para sa lahat. Nagsisimba kami nung kaibigan kong babae, tapos bigla ko naisip na magtapat sa kanya pagdating ng homily nung pari. Tama naman iyon di ba? Ipagpalagay na nating pinag-isipan kong mabuti yung sasabihin ko, tama pa rin ba iyon? Natural, hindi. Bingi ka ba, nagsesermon yung pari, tapos bigla kang babanat ng “sweet nothings”? Oras yan ng pagsisimba, sicko. Igalang mo naman. Mahalaga rin ang timing. Mas magiging epektibo ang pagpili natin, kung gagawin natin ang pinag-isipang desisyon sa tamang oras. Isa yan sa problema ng marami ring kabataan. Bakit ba mahalaga yang timing na yan? Simple lang. Yung babae, meron siyang boyfriend, e yung boyfriend nya, manyak, kaya lang nanligaw dahil saksakan ng kabastusan ang laman ng kukote. Fast forward na natin. May nangyari sa kanila, di lang isang beses, siguro mga sampu na. Tapos nung 11th time na, naisip ni babae, na mali ito at nakipagbreak siya. Pero huli na ang lahat. Hinigop na ni egg ung sperm, buntis na siya. Yun ang tinatawag na timing, kundi ba naman tanga si babae na nung 11th time na siya gagalawin nung boyfriend nya ng hindi pa sila kasal, tsaka nya lang malalaman na manyak si gago. E kung nung 1st time pa lang naisip na nya, e di sana wala siyang alalahanin ngayon. Ganyan ang malinaw na halimbawa ng (katangahan) wala sa timing na pagpili. Isaalang-alang sana natin ang oras dahil ito’y mahalaga, bow.
Ang simple ng pamimili, sobrang dali na puwede ka pang pumikit di ba? Isipin mo lang at i-timing mo, wala kang proproblemahin. Kaso may problema pa rin. Inisip mo na, tiniming mo pa, kulang pa rin yan. Sa quiz ulit yan eh, nagreview ka ng mabuti at maaga, pero bagsak ka pa rin. Sinong may kasalanan? Ikaw? Nagreview ka na nga ng 4 to 4 one week in prior of the quiz, tapos kasalanan mo pa. Siyempre hindi. Baka yung prof mo ang may kasalanan kasi parang walang kinalaman sa pinag-aaralan nyo yung binigay niyang question. Kumbaga sa tanong eh, Math yung subject, tapos babanatan ka ng “Anong taon namatay si Magellan?” na mga tanong, e di tama yan. May numbers nga, pero hindi Math iyon. O baka naman yung kalapit mo sa quiz na parang si Taning kung bumulong, na kung kailan nag-eexam saka pa ikukwento yung tungkol sa girlfriend niyang two-timer. Talagang hindi ka papasa nyan. Pero hindi ikaw ang may kasalanan dyan. Pwera na lang kung para kang martir na magmukmok at aakuhin ang hindi sa’yo. Mababaliw ka nyan. Paano kapag pumalya yung plano mong pinag-isipan at pinaghandaan? Ano na? Susuko ka na? Yung kapitan ng barko, maaga niyang pinili yung ruta ng barko, inayos niyang mabuti at talagang pinag-isipan. Nung araw nung paglalayag, ayun may KJ na bagyo, umalon ng umalon, lumubog yung barko. Anong nangyari, kasalanan ni kapitan? Dadating yung coast guard, sasabihin nilang kasalanan ni kapitan yung nangyari. Lunod na nga si kapitan sa ilalim ng dagat, sisisihin pa nila? Ganyan din sa buhay. Di natin control ang lahat. Kahit na pinag-isipan at pinaghandaan mo, may tsansa ka pa ring pumalpak. Hindi tayo perpekto at hindi ganoong katalino para mapaghandaan ang lahat ng bagay. At sa pagpili, dadating at dadating din na babagsak ka. Magkakatalo lang tayo sa kung anong gagawin mo pagkatapos mong bumagsak. Eto si lalaki, matalinong estudyante, magaling dumiskarte at masipag. At meron siyang cute na girlfriend. Wow, ang sarap ng buhay niya, pero sa sobrang sarap ng buhay nya, ayun inahas siya nung bestfriend niya. Ang galing, okay siya sa pagpili at talagang pinaghahandaan niya ang lahat ng bagay, pero hindi niya napigilan ang hayup niyang kaibigan na i-double cross siya. Anong ginawa ni lalaki? Ayun, nabobo, nagpakamatay. Hayan. Kaya nakakamatay ang sobrang talino at sobrang diskarte. Kapag hindi na kaya ng diskarte at talino, isinisisi na sa sarili ang pagkabigo sa buhay. Kapag nabigo ka sa pagpili mo, bumangon ka at sikaping huwag mahulog ulit sa parehong pagkakamali. Sa umpisa, pwede pa yan. Kumbaga sa subject, may retake pa ulit yan. Mahirap talaga eh, anong magagawa mo? Pero sa ikalawang pagkakataon, eh ganun pa rin ang resulta, hindi tama ‘yan. Hindi ka bumangon niyan, humiga ka na. Wala kang ginawa eh. Mukhang namihasa ka sa pagkakamali mo. Sa quiz, kapag bumagsak ka, magrereview ka siyempre. Hindi yung mag-doDotA ka para bumawi. Anong kalokohan iyon? E di lalong hindi ka papasa nyan. Karamihan ng kabataan ganyan, kapag bumagsak sa exam, hindi review yung maririnig mo eh, maririnig mo yung susunod na gimik spot na pupuntahan nila mamayang gabi. Naniniwala kasi sila na hindi mo na maibabalik yung nasira na. Ano kasi yun, “the damage has been done”? What serious bullshit. Kaya yun, wala nang magbabago, pag kasi nagkamali ka, wala ka nang magagawa, bobo na. Sabi nga dun sa retreat namin, parang lapis ang buhay, na pwede kang magbura pag nagkamali ka. Kaso ang katwiran ng iba, nandun na yung marka at talagang makikita mo pa. Oo nga, andun pa yung marka, pero pwede mo pa yang sulatan, sir. Wag kang aksaya. Pwede mo yang sulatan at hindi mo na mapapansin yung bura. Kasi kapag pinansin mo, wala kang matatapos, ang arte mo eh, pwede mo namang sulatan ayaw mo pa. Kaya mo nga binura eh, para sulatan mo ulit, hindi para titigan yung wrong spelling mo. Huwag mong aksayahin ang buhay mo dahil nagkamali ka sa pagpili, dahil dumiskarte ka lang ulit at pag-isipan mong mabuti, hindi ka na ulit magkakamali. Kaso meron pang isa. Parehong pagkakamali. OO, sobrang importante nyan. Dyan nasusukat ang talino at diskarte. Pag tumama ka sa 1+1, good lang yan. Kapag next quiz, tinanong ulit, tumama ka na naman, pang-top 10 ka na. Hindi ka matalino kung next quiz nagkamali ka. Ibig sabihin, hinulaan mo lang yung 1+1. Hindi katanggap-tanggap iyon. Kapag natisod ka sa bato, ayos lang ‘yan. Pwede kang magdahilang hindi ka nakatingin o hindi mo alam na may bato dun. Pero pag nadapa ka ulit sa parehong bato, ano na? Bobo na ‘yan. Lokohin mo man ang iba, alam mong hindi mo pwedeng sabihing “Hindi ko nakita” at “Hindi ko alam na may bato dyan” kasi nakita mo na at alam mo na merong bato dun. No excuses. Karamihan sa’tin ang ganyan, yun bang unlimited mistakes sa isang bagay. Parang walang natututunan, pero nag-aaral naman. Ang sarap naman ng buhay natin kung unlimited mistakes na. At eto na, sa sobrang sarap ng buhay, wala nang magbabago. Kung kriminal ka, kriminal ka na forever. Unlimited mistakes naman eh, bakit ka pa magbabago, e pwede namang hindi. Optional na lang magpakabuti. Iyon, ganyan ang tamang daan patungo kay Taning. Ewan ko na lang kung matuwa ka pa nyan.
Chicken na sa’yo ang pagpili. Tamang oras, diskarte at tamang paghahanda, tiyak wala kang pagsisisihan nyan. Pero isa lang ang masasabi ko, pagdating sa totoong buhay, tiyak na mabablanko tayo at hindi makakapagisip ng maayos. At eto katulad ko ngayon, blanko na at walang maisulat, kaya pipiliin kong tapusin na itong kahibangang sinusulat ko. ###