
It was a rare occasion. My friend and I were talking about this girl who allegedly lost her virginity at 14, and even posed indecently for some photos. Although it was just haters’ mail, we came up with the discussion about the plummeting morality of the youth today, and sadly, most of these youth were Christians. Yeah, and damn it, I am one of them.
Sa barkada namin sa Don Bosco, ako yata ang nagpapaumpisa ng mga ganitong usapan, mga rumors about relationships and certain stuff, and I would vocally ask my friends, “May nangyari na kaya sa kanila?” Minsan nga hindi pa ganyan kaswabe ang pagkakatanong. Minsan sobrang improper, like, “Natira na kaya ni (pangalan ng guy) si (pangalan ng girl)?”. And really, it was really saddening na kahit ako, kasama pa at guilty sa mga ganitong kasalanan.
At ang pinakamatindi kong mga kasalanan would be consenting and sometimes advancing to other girls’ touches. Sino ba naman ako para tumanggi? Kumbaga sa’kin, komportable naman ako, saka as long na hindi ako yung nag-iinitiate, siguro wala namang kaso sa’kin yun. Pero the thing is, meron pala akong pagkakamali. It’s the fact that I welcoming these advances would be like, welcoming opportunities to sin as well.
Natuwa din ako dun sa sinabi nung kaibigan ko sa formspring nya. Sabi nya kasi dun, sa “touchy times” daw nabubuo ang closeness ng dalawang tao. And all I can say was, “What the hell?” to myself. Kahit naman siguro sino, gusto ng holding hands, yakap at mga occasional na halik, pero the point is, kung ito ang gagamitin natin to establish an initial surge of closeness, we could be successful, pero it won’t last that long. Let’s see, kunwari, at nagyakapan na kayo, at hindi pa kayo, and then what? You felt so close to each other. It felt so right. Nawala ka na sa focus, you got yourself focused on the feelings. At dahil sobrang sarap mayakap, uulitin mo na nang uulitin yon. Kasi naman hindi lang sa puro yakap umiikot ang pagmamahalan. It’s all about keeping each other’s purity. (I Kissed Dating Goodbye and Boy Meets Girl) Eventually, hindi lang kayo matatapos sa yakap. Paano na kung kayo na, malamang gagalaw na yung yakap. Magiging moving hug na. At sooner or later, mawawala ka na talaga sa tamang pag-iisip.
Idadahilan mo naman sa’kin ngayon na ang hug ay “expression”: ng love at friendship. At wala kang masamang intention sa pagyakap mo sa kaibigan mo. At sasabihin mo din sa akin na marumi ang isip ko dahil pinapagalaw ko yung harmless nyong yakapan. Well, you are partly right. Pero I would like to present you with this option of answering an argument. Halimbawa, wala akong intention na patayin ang isang tao, pero galit ako sa kanya. So, kailangan kong iexpress ang galit ko, to the point na araw-araw ko siyang tututukan ng baril. Okay lang ba iyon? Confident naman ako sa ability ko na hindi iputok ang baril kasi alam kong mali ang pumatay, pero for the sake of expression lang, gagawin ko. E kung itulak ka ng kapwa ko, o kaya naman walang nakakakita sa’yo, okay lang kaya? Hindi mo alam ang pwedeng mangyari. Do not do everything that your emotion tells you to do, because it has long term consequences and responsibilities.
Huwag na tayong maglokohan. If it really is harmless, then so be it to your opinion. Pero you can’t deny na masarap ang mayakap o ang mahalikan. Bakit ba kaunti lang ang makapagsabi ng “Let’s not do this… I am disgracing your purity.”? At syempre, hindi ako kasama diyan sa mga nakakapagsabi niyan.
Simple lang naman ang hinihiling ng Diyos sa atin. Let us cut sin from its root. Kumbaga, makita mo pa lang na may chance na umusbong, putulin na natin. Wag nating ipagsawalang-bahala. Kung kailan may bunga na, saka natin puputulin. Kasi nung maliit pa, parati nating sinasabi, “Wala namang ibig sabihin ‘to eh. Friends lang kami…”.Hayan, saka ka mag sisisi ngayon, dahil nahihirapan ka nang putulin, kasi friends lang kayo, pero may anak kayo. Nice.
Lahat ng maganda nating nararamdaman would be best enjoyed at the right time. Mahirap yung malamig, tapos nag-a-ice cream ka na. Malamang ma-brain freeze ka niyan. Yung tipong ang lamig-lamig, tapos yelo pa yang kinakain mo. Ang takaw mo, tsong. Nagdadahilan ka pa na, walang basagan ng trip, pero di mo maikakaila sa akin na wala ka sa panahon. Oo at masarap, pero iba pa din yan kapag mainit ang panahon. Pero wala e, sa sobrang atat mo, hindi mo na hinintay mag-summer. Pero kung hinintay mo, then there would it be truly rewarding. Saving something special until the right time to savor it would come. And maybe, just maybe, that right time could be marriage.
No comments:
Post a Comment