
Eat less. Simple lang. Kase overweight ako. Gusto ko maging healthy ulit. Saka mas maganda ang fit ng damit kapag payat. Saka naiinggit na rin ako sa porma ng kapatid ko. Gusto ko rin ng ganun.
Spend less. Malamang. Wala na kasi kaming pera. Baon pa si Mama sa utang sa credit cards at mga mamang nakamotorsiklo na dumadaan sa tindahan namin. Kaya bilang tulong na rin kay Mama, babawasan ko na ang paggimik, dahil hindi ko naman talaga kailangan yun.
Talk less. Hindi lahat ng tao e, makikinig sa lahat ng gusto mong sabihin, kaya iwas pahamak na rin, wag na lang magsalita at matutong tumahimik. Dahil kahit kailan, mahirap magmalasakit sa taong hindi marunong makinig. Sayang lang.
Listen more. Mas madali akong nakakapagformulate ng decisions kung nakikinig ako sa dalawang panig. Bilang isang well-rounded na indibidwal, kailangang hindi dapat nagmamadali sa pagpaplano o paggawa ng isang bagay. Kailangang pakinggan ng mabuti ang mga babala at payo ng mga taong nakadaan na sa landas na pupuntahan ko.
Do more. Sawa na rin naman ako sa kakasalita ng mga dapat kong gawin. Siguro ay dapat na akong kumilos upang makapagsimula ng mga dapat kong gawin sa buhay. Sayang kasi ang oras, kaya isasama ko na din sa resolusyong ito ang paggising ng maaga upang maging mas produktibo sa mga gawain.
Pray more. Eto ata yung kulang ko nung isang taon kaya hindi masyadong smooth ang 2010 sa'kin. Saka sa tingin ko, wala akong magagawa sa mga unang nabanggit kung hindi ko isasagawa ang huling resolusyon.
No comments:
Post a Comment