Finishing my last project. I'm going to write, whatever it takes.
Wednesday, May 12, 2010
Choices
Which is better? And what is best? So, the point is: lagi kang may pagpipilian. Kahit saan, di mo maiiwasan ang ganitong mga bagay. Yeah, even in our homes, schools or in the comfort zone of our barkada, it’s always inevitable to choose. I really have to hate myself by doing this, nasobrahan din yata ako sa boredom dahil sa suspension of classes by the Influenza A H1N1 virus. But a case in point, I chose to type in a few letters and this is it! The first blog entry made by me. If you will ask me, what will you benefit by reading this?
The answer: absolutely nothing. Baka mainis ka pa nga sa pagmamarunong ko, o baka naman matawa ka sa mga kabaliwang sinasabi ko. Well, these are my frustrations in my 19 years of living and existence. The fruit of my 14 years of coming to school, and the pinnacle of my writing career and I hope as years multiply, I would be able to do more of these things.
First things go first. I already gave my age, I’m 19, and I’m currently taking up ECE, hoping to be a licensed engineer someday. Let’s leave it at that. So, what will I blabber about today? I’m bored at home, and I CHOSE to write up this crap. It’s not I hit the CAPS-lock key accidentally, but it’s about emphasizing the word “chose”. Dapat alam na natin ‘yon. Grade 3 pa lang yata ako alam ko na yung rootword ng chose ay “choose”. Pero it took me this long before I even had a hunch on how important this word is. OO, I’ll talk about the importance of choosing in our life.
Okay, time to preach some serious things right here. No laughing, please. Anyway,sa buhay, talagang kailangan mong mamili. Kaninang umaga nga, pinili kong lumanghap ng hangin, kaya eto nakapagsulat ako. Pero pwede rin namang wag na lang akong huminga kaninang umaga, e di sana wala ka nang babasahing ganito ngayon. At katulad ng nabanggit kanina, wala, di mo talaga matatakasan ang pagpili. Kapag may isip ka na, magsisimula na ang pagpili mo. Karamihan ng kabataan ngayon, itong pagpili na ito ang umuubos sa lakas at oras namin. Sangkatutak ang pwede naming pagpilian: mula sa cap ko sa ulo, hanggang sa sapatos mo, pinipili yan. Kung hindi man ikaw, o yung magulang mo, o kahit yung saleslady na medyo pakialamera, pinili pa rin yan. At eto na nga, dito na nagkakaroon ng problema, sa pagpili na ito. Kung sa inaakala ng karamihan, ganyan kababaw ang pamimili, nagkakamali sila. (Yes! Tama ako!)
Niyaya ko yung kaibigan ko nung isang araw na mag-DotA, (devil’s advocate ako!) wala kasi akong klase pero siya meron. Ayaw niya nung una, pero nung huli, pumayag din. Pinili nyang wag pumasok, kasi first meeting pa lang daw. Sigurado akong di alam at hindi iyon malalaman ng magulang niya. Absent siya sa attendance, may 1.5 hour na siyang absent, at malamang pag tinuloy-tuloy namin ang laro sa mga susunod na araw, singko ang aabutin niya. Alam ko iyon at mas lalong alam nung kaibigan ko iyon. Pero bakit kaya sumama ang kumag? Wala akong alam na sagot, isa lang eh. Masaya kasi mag-DotA, (at least para sa’min) kaya ipagpapalit nya ang first meeting para sa laro namin. Iyan ang malinaw na halimbawa ng pagpili. Titimbangin mo kung anong mas mahalaga para sa iyo at yun ang gawin mo. Madali lang naman di ba?
At sa sobrang dali, karamihan ng kabataan ay adik, delingkwente, maagang nag-asawa, maagang nabuntis at suwail sa magulang. Ganun lang kadali pumili. Pero tiyak sa pagpili natin, diyan tayo babagsak. Parang quiz lang yan. Kaso yung professor mo, mabait kaya isang tanong (essay) lang ang ibibigay nya sa quiz, at sa sobrang bait nya, dalawa lang babagsakan mo: it’s either perfect o perfect zero ka. Sa buhay, ganyan lang ang diskarte pamimili, pass or failed lang. Walang maybe o hindi ka sure. Pag hindi mo inayos, bagsak na. Yung kaibigan mo, nagshashabu, inalok ka, anong gagawin mo? Pwede mong tikman, “Uy, mukhang masarap ‘yan ah!”. Pwede rin namang “ Ayoko, ilagay mo kasi sa lalagyan.” Ang simple nung usapan, di ba? At sakasa pamimili, IKAW ang dapat mamili. Huwag mong ipasa sa iba ang dapat mong gawin. Pwede mo bang sabihin sa barkada mo na “Pre, ipili mo naman ako ng girlfriend, gusto ko yung ganito ha, yung tsinita na medyo maputi…” Alam mo naman pala, bakit yung barkada mo pa ang pipili? Tapos kapag nabulilyaso, sisisihin mo yung barkada mo. “Pre, di ba sabi ko sa’yo tsinita? Bakit si Donita Rose itong dinala mo??!!!” Hayan. Dyan nagsisimula ang karamihan ng kapalpakan. Hindi mo pwedeng sisihin ang magulang mo kung bakit ka naging adik. Hindi mo pwedeng sisihin ‘yong girlfriend mo kasi nabuntis siya. Ikaw yung tumikim, ikaw yung tumira, tapos isisisi mo sa iba. Kawawang magulang, binigyan kasi ng drugs yung anak. Kawawang girlfriend, kasi hinigop nung egg cell nya yung sperm ng lalaki. Ano ba namang buhay ‘yan? Pilit nating ipinapasa sa iba yung mali sa pagpili natin. Kung inisip mo muna, na “Masisira ang buhay ko kapag tinikman ko ito” o kaya naman “Di muna namin ito dapat gawin kasi di pa kami kasal”, e di sana hindi ka naging adik at hindi nabuntis ang girlfriend mo. Parang quiz lang ulit yan eh. Kung nagreview ka, e di papasa ka. Walang swerte-swerte. Nagreview ka eh, tiyak kang papasa. Kung di ka pumasa, wala na sa iyo ang problema, nagreview ka eh. Sa buhay, kailangan din nating magreview muna bago pumili. Isipin mo muna. Wag mo idaan sa horoscope o toss-coin. Buhay mo yung pinag-uusapan, tapos i-totoss coin mo? Lahat ng pinagpipilian, pinag-iisipan.
Paano yung pinag-iisipan? Naalala ko tuloy yung kadorm ko na tinuturuan ako ng pusoy (pero, hindi ako natuto), lagi niyang sinasabi yung “good, better, best” na kailangan sa pag-aayos ng baraha. Natuwa ako dun, inisip ko, ah madali lang ito, at yun na nga, sa sobrang dali, hindi ako nananalo sa kanya. Yun, ganyan din sa buhay. Kung akala mong sapat na pag-isipan mo, ang pipiliin mo, eh nagkakamali ka na naman. (at tama na naman ako!) Anong kulang? Ganito yan, may nakita akong babae sa school, nung 9 years old ako, cute siya at mabait. Inisip ko na magiging maganda siyang kabiyak sa buhay, kaya ipagpalagay nating pinakasalan ko siya. Happily ever after na ba? Inisip ko naman bago ko siya pinili ah. E di dapat pasado na ako. Ano sa tingin mo ang mali? Bulag ka ba, 9 years old yung magpapakasal, malay ba niya sa buhay pag-aasawa? Baka nga hindi pa marunong ng 1+1 yun eh. Ganyan din sa buhay. Hindi sapat yung inisip mo lang, dahil may tamang oras para sa lahat. Nagsisimba kami nung kaibigan kong babae, tapos bigla ko naisip na magtapat sa kanya pagdating ng homily nung pari. Tama naman iyon di ba? Ipagpalagay na nating pinag-isipan kong mabuti yung sasabihin ko, tama pa rin ba iyon? Natural, hindi. Bingi ka ba, nagsesermon yung pari, tapos bigla kang babanat ng “sweet nothings”? Oras yan ng pagsisimba, sicko. Igalang mo naman. Mahalaga rin ang timing. Mas magiging epektibo ang pagpili natin, kung gagawin natin ang pinag-isipang desisyon sa tamang oras. Isa yan sa problema ng marami ring kabataan. Bakit ba mahalaga yang timing na yan? Simple lang. Yung babae, meron siyang boyfriend, e yung boyfriend nya, manyak, kaya lang nanligaw dahil saksakan ng kabastusan ang laman ng kukote. Fast forward na natin. May nangyari sa kanila, di lang isang beses, siguro mga sampu na. Tapos nung 11th time na, naisip ni babae, na mali ito at nakipagbreak siya. Pero huli na ang lahat. Hinigop na ni egg ung sperm, buntis na siya. Yun ang tinatawag na timing, kundi ba naman tanga si babae na nung 11th time na siya gagalawin nung boyfriend nya ng hindi pa sila kasal, tsaka nya lang malalaman na manyak si gago. E kung nung 1st time pa lang naisip na nya, e di sana wala siyang alalahanin ngayon. Ganyan ang malinaw na halimbawa ng (katangahan) wala sa timing na pagpili. Isaalang-alang sana natin ang oras dahil ito’y mahalaga, bow.
Ang simple ng pamimili, sobrang dali na puwede ka pang pumikit di ba? Isipin mo lang at i-timing mo, wala kang proproblemahin. Kaso may problema pa rin. Inisip mo na, tiniming mo pa, kulang pa rin yan. Sa quiz ulit yan eh, nagreview ka ng mabuti at maaga, pero bagsak ka pa rin. Sinong may kasalanan? Ikaw? Nagreview ka na nga ng 4 to 4 one week in prior of the quiz, tapos kasalanan mo pa. Siyempre hindi. Baka yung prof mo ang may kasalanan kasi parang walang kinalaman sa pinag-aaralan nyo yung binigay niyang question. Kumbaga sa tanong eh, Math yung subject, tapos babanatan ka ng “Anong taon namatay si Magellan?” na mga tanong, e di tama yan. May numbers nga, pero hindi Math iyon. O baka naman yung kalapit mo sa quiz na parang si Taning kung bumulong, na kung kailan nag-eexam saka pa ikukwento yung tungkol sa girlfriend niyang two-timer. Talagang hindi ka papasa nyan. Pero hindi ikaw ang may kasalanan dyan. Pwera na lang kung para kang martir na magmukmok at aakuhin ang hindi sa’yo. Mababaliw ka nyan. Paano kapag pumalya yung plano mong pinag-isipan at pinaghandaan? Ano na? Susuko ka na? Yung kapitan ng barko, maaga niyang pinili yung ruta ng barko, inayos niyang mabuti at talagang pinag-isipan. Nung araw nung paglalayag, ayun may KJ na bagyo, umalon ng umalon, lumubog yung barko. Anong nangyari, kasalanan ni kapitan? Dadating yung coast guard, sasabihin nilang kasalanan ni kapitan yung nangyari. Lunod na nga si kapitan sa ilalim ng dagat, sisisihin pa nila? Ganyan din sa buhay. Di natin control ang lahat. Kahit na pinag-isipan at pinaghandaan mo, may tsansa ka pa ring pumalpak. Hindi tayo perpekto at hindi ganoong katalino para mapaghandaan ang lahat ng bagay. At sa pagpili, dadating at dadating din na babagsak ka. Magkakatalo lang tayo sa kung anong gagawin mo pagkatapos mong bumagsak. Eto si lalaki, matalinong estudyante, magaling dumiskarte at masipag. At meron siyang cute na girlfriend. Wow, ang sarap ng buhay niya, pero sa sobrang sarap ng buhay nya, ayun inahas siya nung bestfriend niya. Ang galing, okay siya sa pagpili at talagang pinaghahandaan niya ang lahat ng bagay, pero hindi niya napigilan ang hayup niyang kaibigan na i-double cross siya. Anong ginawa ni lalaki? Ayun, nabobo, nagpakamatay. Hayan. Kaya nakakamatay ang sobrang talino at sobrang diskarte. Kapag hindi na kaya ng diskarte at talino, isinisisi na sa sarili ang pagkabigo sa buhay. Kapag nabigo ka sa pagpili mo, bumangon ka at sikaping huwag mahulog ulit sa parehong pagkakamali. Sa umpisa, pwede pa yan. Kumbaga sa subject, may retake pa ulit yan. Mahirap talaga eh, anong magagawa mo? Pero sa ikalawang pagkakataon, eh ganun pa rin ang resulta, hindi tama ‘yan. Hindi ka bumangon niyan, humiga ka na. Wala kang ginawa eh. Mukhang namihasa ka sa pagkakamali mo. Sa quiz, kapag bumagsak ka, magrereview ka siyempre. Hindi yung mag-doDotA ka para bumawi. Anong kalokohan iyon? E di lalong hindi ka papasa nyan. Karamihan ng kabataan ganyan, kapag bumagsak sa exam, hindi review yung maririnig mo eh, maririnig mo yung susunod na gimik spot na pupuntahan nila mamayang gabi. Naniniwala kasi sila na hindi mo na maibabalik yung nasira na. Ano kasi yun, “the damage has been done”? What serious bullshit. Kaya yun, wala nang magbabago, pag kasi nagkamali ka, wala ka nang magagawa, bobo na. Sabi nga dun sa retreat namin, parang lapis ang buhay, na pwede kang magbura pag nagkamali ka. Kaso ang katwiran ng iba, nandun na yung marka at talagang makikita mo pa. Oo nga, andun pa yung marka, pero pwede mo pa yang sulatan, sir. Wag kang aksaya. Pwede mo yang sulatan at hindi mo na mapapansin yung bura. Kasi kapag pinansin mo, wala kang matatapos, ang arte mo eh, pwede mo namang sulatan ayaw mo pa. Kaya mo nga binura eh, para sulatan mo ulit, hindi para titigan yung wrong spelling mo. Huwag mong aksayahin ang buhay mo dahil nagkamali ka sa pagpili, dahil dumiskarte ka lang ulit at pag-isipan mong mabuti, hindi ka na ulit magkakamali. Kaso meron pang isa. Parehong pagkakamali. OO, sobrang importante nyan. Dyan nasusukat ang talino at diskarte. Pag tumama ka sa 1+1, good lang yan. Kapag next quiz, tinanong ulit, tumama ka na naman, pang-top 10 ka na. Hindi ka matalino kung next quiz nagkamali ka. Ibig sabihin, hinulaan mo lang yung 1+1. Hindi katanggap-tanggap iyon. Kapag natisod ka sa bato, ayos lang ‘yan. Pwede kang magdahilang hindi ka nakatingin o hindi mo alam na may bato dun. Pero pag nadapa ka ulit sa parehong bato, ano na? Bobo na ‘yan. Lokohin mo man ang iba, alam mong hindi mo pwedeng sabihing “Hindi ko nakita” at “Hindi ko alam na may bato dyan” kasi nakita mo na at alam mo na merong bato dun. No excuses. Karamihan sa’tin ang ganyan, yun bang unlimited mistakes sa isang bagay. Parang walang natututunan, pero nag-aaral naman. Ang sarap naman ng buhay natin kung unlimited mistakes na. At eto na, sa sobrang sarap ng buhay, wala nang magbabago. Kung kriminal ka, kriminal ka na forever. Unlimited mistakes naman eh, bakit ka pa magbabago, e pwede namang hindi. Optional na lang magpakabuti. Iyon, ganyan ang tamang daan patungo kay Taning. Ewan ko na lang kung matuwa ka pa nyan.
Chicken na sa’yo ang pagpili. Tamang oras, diskarte at tamang paghahanda, tiyak wala kang pagsisisihan nyan. Pero isa lang ang masasabi ko, pagdating sa totoong buhay, tiyak na mabablanko tayo at hindi makakapagisip ng maayos. At eto katulad ko ngayon, blanko na at walang maisulat, kaya pipiliin kong tapusin na itong kahibangang sinusulat ko. ###
No comments:
Post a Comment