Sunday, November 7, 2010

Christmas Angel










Sa ating mga Pilipino, ang Pasko e, season of giving. Season kung saan hindi ka pwedeng magdamot. Panahon kung saan nagtitipon-tipon ang lahat para ipagdiwang ang pagdating sa mundo ni Hesus. At dahil sa engrande ang birthday na pinagdiriwang natin kapag Pasko e dapat big time din ang mga handa at regalo. Nandiyan ang monito-monita,exchange gift at kris-kringle, na iisa lang naman ang nais na iparating sa atin. Na kailangan nating magbahagi kung ano ang meron tayo para sa iba.

Ang saya ng Pasko. Tiyak marami na naman akong papaskuhan kasi apat na ang inaanak ko. Hindi ko lang alam kung ano ang nakita nila sa akin para kuning ninong dahil wala naman akong pera. Hindi pa nga ako gumagraduate. Sabi pa nila, saka na lang daw ako bumawi kapag may trabaho na ako. Kaso hindi ko lang alam kung paanong bawi ang gagawin ko para sa kanila.

Syempre, hindi lang naman yung mga inaanak mo ang kailangan mong bigyan ng regalo, andiyan yung mga namamaskong trip lang at mga kaibigan mo. Although optional yung mga kaibigan, yung mga namamaskong trip lang, hindi mo pwedeng tanggihan. Kung dati yung mga nagsosolicit sa'yo, ang daling sabihan ng "Wala po.",ngayon ikaw na ang mahihiya sa sarili mo. Tipong Pasko na tapos, wala pa rin akong maibigay, pwera na lang kung talagang saksakan ka ng damot. At huwag mo nang sabihing practical ka. Na mahirap ang pera ngayon. Madamot ka lang talaga.

Pag Pasko,nawawala yung mga humihingi ng tulong at nagsosolicit. Dahil nagpapalit sila ng anyo bilang mga nangangaroling at namamasko. Sapagkat sa panahong ito, buhay na buhay ang espiritu ng pagbibigayan ng mga tao. Pwede kang magbigay ng kahit ano. Pero kung tarantado ka, yung gamit na brief mo, pwede. Konsensiya mo na lang kung anong sakit man ang mapulot nila dun.

Napakaganda ng mensahe na ipinaabot sa atin ng Pasko. Sapagkat kung paanong binigay ng Diyos si Hesus sa mundo sa pamamagitan ng Pasko e, inaanyayahan din tayong magbigay ng pinakamahalaga sa atin sa mga tao. At walang discrimination yun. Hindi sinabing ganitong porsiyento lang ang ibigay mo. Walang listahan at credits. Walang praktikal-praktikal. Kung praktikal ang Diyos, malamang kinilo muna si Hesus, bago dinala dito. Malamang may listahan kung sinong ililigtas,yung tipong pamilya lang namin, ganun. Pero hindi ganun, walang exception.

Kaya naman sa darating na kapaskuhan, gawin naman nating makabuluhan ang pagdiriwang ng Pasko. Magbigay tayo para sa iba. Sapagkat mahirap umakyat sa langit kapag mabigat ka at marami kang dalahin.

No comments:

Post a Comment