Monday, April 4, 2011

Ang Tunay na Mukha ng Karahasan













Maraming nagtatanong sa akin, kung pro-life daw ba talaga ako. Maraming nagtataka dahil tila aliw na aliw ako sa mga nagpapatayang tao, gayong sinasabi ko sa sarili ko na isa akong taong yumayakap sa buhay. Tila isang napakalaking kabalintunaan na ang isang tulad kong tao ay fan ng mga violence films at kung anu-ano pa. Hindi sila makapaniwala na natutuwa akong manood ng mga pugutan ng ulo, barilan, at iba pang mararahas na bagay.

Tinanong din sa akin ng kapatid ko kagabi kung pabor daw ba ako sa capital punishment. At syempre ang mariin kong sagot ay oo. Tapos pagkatapos noon, pinangaralan ako ng kapatid ko tungkol sa hudisyal na sistema sa Pilipinas, na maaring mabitay ang mga walang kasalanan dahil sa mga walang utak na nagpapatakbo ng hudikatura at mga korte dito sa Pilipinas. At sinabi rin sa akin ng kapatid ko, dapat daw kapag tutol ka sa abortion e, tutol ka din sa capital punishment kase parehas daw na buhay ang pinag-uusapan doon. Kung hindi daw ako tututol sa capital punishment, e hindi daw ako pro-life.

Sino ba kasing may sabing pro-life ako? Sino ba kasing nagpauso noon? Tiyak ko, sa sarili ko, hindi ako pro-life. Ayokong maging ipokrito sa sarili ko, dahil maraming tao akong naiisip na mas mabuti pang wala na sa mundo. Ayokong magmalinis. At lalong ayokong itago ang tunay kong pagkatao na nagpapakabuti sa mga sitwasyon na dapat kang magpakatotoo. Minsan, sa buhay ng tao, maiisip mong magiging mabuti ang isang sitwasyon kung wala ang isang partikular na tao. Maiisip mong sana mas mabuti ang naging kalagayan ng mga tao o nung sarili mo, kung wala ang pagmamalabis ng isang tao. At malamang, para mo na ring hiniling na mamatay siya. Kung hindi mo naisip ang ganyang bagay sa buhay mo, hindi ko na alam ang sasabihin ko sa'yo. Hindi ko alam kung ano ang kinakain mo para maging ganyan ang pag-iisip mo.

Ano ba ang tinuturo sa'yo ng karahasan? Bakit ba tuwang-tuwa akong panoorin ang mga bagay na hindi naman talaga dapat nakakaaliw panoorin? Pero parang ayokong sagutin. Kase baka maraming matakot sa'kin. Ayokong sabihin na masaya akong panoorin na may mga nasasaktan na tao. Hindi naman kase ako ganoong kasama. Gusto ko lang panoorin ang mga ganitong klase ng pag-interpreta sa mga sitwasyon, dahil ito ang pinakamalapit sa katotohanan. Kung may giyera, boring kung magpe-peace talks agad. Hindi totoo yun. Malamang kapag giyera, may patayan, barilan at kung anu-ano pa. At kapag nakahuli ka ng babae, hindi mo dadalhin kaagad sa prison camp yan. Ginagahasa muna nila. Wag kang matakot kase iyon ang totoo. Hindi ka bibigyan ng fairy tale na makakarating ka at makaliligtas na walang mangyayaring masama sa iyo. Hindi totoo iyon. Ipinapakita sa atin ng karahasan ang tunay na mukha ng katotohanan. Isinasampal sa atin ang realidad na may mga taong ganid sa bituka ang kasamaan at kailangan nating mag-ingat sa pakikisalamuha sa kanila. Para sa akin, ang karahasan ang pagpapakita na ito ang pinakamalapit sa katotohanan na pwedeng mangyari sa iyo, given na ganito ang sitwasyon. At ito para sa akin ang mukha ng karahasan na patuloy kong tinatangkilik at hinahangaan.

Ako ay isang taong "fan" ng katotohanan. Lalo na yung mapait na katotohanan. Ako yung tinatawag mong negative thinker. Pero hindi lang basta negative. Kase lagi kong iniimagine yung worst case scenario. Kaya bihira akong magtiwala sa tao, dahil lagi kong naiimagine yung pinakamasamang pwede nilang gawin sa akin. At kung tatanungin mo ako kung pwede ba akong maging subject ng karahasan, e okay lang din sa akin. Dahil iyon naman talaga ang totoo. Kahit sino, walang pinipiling mukha ang karahasan.

No comments:

Post a Comment