I just can’t get it off my head. It seems that all my anger and hate just dissipated into deep understanding. After that Theology lecture yesterday, I really had a change of thought regarding on what to do in my life. It seems that he was talking to me the whole time. On how I am afraid to settle for God’s second best.
My professor said that once we experience failure, we shouldn’t be wishing for anything like, “I wish I did this and stuff..”, but rather, we should be focusing on now. There is no use for dwelling in the past. Indeed, the best time of our life is NOW. And it took me so long to realize it. Wherein the past is full of complaints and regrets, and the future can be a haven for false promises, the present is what we only hold with certainty.
It took me so long to sink in that three-hour lecture yesterday. I felt frustrated, not understanding it at first, but now I know on myself, that I could do anything and it is still on His divine plan. And I need not worry for settling for His second best. I need not worry about choosing between career paths, but as long as God Himself is incorporated, it would remain the best thing in my life.
Tuesday, January 11, 2011
Sunday, January 9, 2011
Complaints and Rants.

Pakiusap lang po sa mga bumabasa:
Mabuti yung nagkakalinawan tayo. Pag may tanong kayo, free naman akong sumagot. Nilagay ko na yung formspring account ko saka yung facebook ko, para naman masabi sa mga bumabasa nito na considerate naman ako kahit papaano. Lalo na pagdating sa mga comments and suggestions. Hindi naman sarado ang utak ko, papakinggan ko naman ang mga mungkahi at tanong lalo na kung na-deliver ito sa hindi nakakabastos na paraan.
Pero kung gusto mo pa ring masunod ang gusto mo, wala akong magagawa. Pasensyahan na lang tayo.
Saturday, January 8, 2011
Love.Happiness. and Me.

Ang pag-ibig, parang kanta. Oo, parang kanta. Sobrang makulay. Sobrang artistic. Minsan masarap makinig nito depende sa trip mo. Minsan din sukang-suka ka kahit marinig man lang ang isang salita na tungkol dito. Masarap pag-usapan at masarap din ilihim. Nakakalito o kaya naman minsan, malinaw pa sa sikat ng araw. Tunay na kabalintunaan na maituturing para sa atin pero paano na lang ang tingin mo dito?
Napakalawak ng pag-ibig. Maraming forms yan. Oo, parang kanta pa rin. May rock, may jazz, may reggae, may rap at marami pang iba. Kaya mabuti yung nagkakaintindihan tayo. Mas maganda yung kinaklaro ang mga dapat pag-usapan para hindi tayo nagugulo. Kaya naman, eto na. Ang pag-uusapan lang natin ay tungkol sa pag-ibig ng mga magsyota.
Baka sabihin mo masama ang pakikitungo ko sa mga "in a relationship people" kaya eto na, yung mga mag-nobyo at mag-boyfriend-girlfriend para hindi naman bastusan. Nitong mga panahon lang naman nauso ang "in a relationship" status. Kase ang alam ko lang dati na social status ay single o married lang. O kaya naman minsan, kinoconsider ko na din yung "engaged" bilang social status. Ngayon, ang "in a relationship status" ay tumutukoy in between ng engaged at single. Ito yung tipong hindi ako single, pero hindi pa ako handang mag-commit na nasa ganoong tono.
Napakapraktikal magkaroon ng girlfriend, sa totoo lang. Kapalit ng gastos mo sa load at sa paminsan-minsang date, meron kang babaeng magmamahal sa'yo ng totoo at sasamahan ka sa bawat yapak ng buhay mo maghapon. Not to mention yung perks na meron kang permanent na katabi pag inuman, yung yayakapin mo pag naglalasing-lasingan ka na, at syempre, kasama na rin dun ang optional benefits na nakukuha mo sa girlfriend mo na nakadepende sa usapan nyo. Na hindi ko na i-eelaborate dahil sa sinusunod kong censorship sa pagsusulat.
Ang pakikipagrelasyon naman ay hindi masama. Sapagkat nagmamahal ka. Walang masama dun. Kahit anong edad pa yan, o kahit anong estado mo sa buhay, hindi masama yan. Pero sadyang wala akong masabi sa kahulugan ng salitang yan para sa atin. Naaawa na lang ako sa mga kilala kong nagmamahal pero yung karelasyon nila ay tila hindi alam kung paano suklian ang pag-ibig nila.
Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Sapagkat ayaw ko nang magsalita at kausapin ang mga kaibigan ko tungkol sa mali nilang ginagawa. Hindi ko na sasayangin ang oras ko para ituro sa kanila na, "Mali yan.", gayong sa sarili nila, alam naman nila ang dapat gawin. Ang nakakapanghina lang ay gusto pa talaga nilang maranasan para sa sarili nila kung paano ba masaktan kung pwede naman nilang maprotektahan ang sarili nila laban sa sakit na ito.
Maraming nagsasabi sa akin na hindi ako kwalipikado na maglecture sa ibang tao. Mababali daw ang daliri ko kakaturo ng mali nila, gayong hindi ko maayos ang sarili kong pagkakamali. Maari nga.
Subscribe to:
Posts (Atom)