Saturday, July 31, 2010

A Friend Indeed?





















" Ang tunay na kaibigan ay katulad ni Doraemon.
Kapag humiling ka, tatanggi sa una, pero hindi ka din matitiis.
Sasamahan ka din sa mga kalokohan mo.
Sasakay din sa mga kagustuhan mo.
Pero sa bandang huli, tuturuan ka pa rin ng leksyon para malaman mo kung ano ang tama."

And then that's it.
How sweet.
But so hard to achieve.

Sana ganoon na lang kadali ang magturo kay Nobita. Sana hindi na nya kailangang maranasang pumutok yung makinarya ni Doraemon para lang matuto. Pero anong nangyayari? Para lang matuto, kailangan pa niyang masuntok ni Damulag, masampal ni Shuzuka, maloko ni Suneo, at mapagalitan ng nanay nya.

Pero tama lang naman. Kasi kung matututo si Nobita kaagad, e di sana wala nang episode 2 yung Doraemon. Kung nakuntento na si Nobita, wala nang ilalabas na gamit si Doraemon. Kung sana hindi na lang siya naghangad ng mga bagay na alam niyang hindi makabubuti para sa kanya.

Sana pwede kong isipin ito sa totoong buhay. Sana ganoon na lang din. Kaya ko sanang manood na lang muna para matuto si Nobita sa mga kasalanan niya. Pero hindi e. Wala sa kakayanan ko na manood na lang at hayaan ang kaibigan kong masaktan ng hindi ko siya pinipilit na itama. Alam ko namang tinatama ni Doraemon si Nobita, pero naisip kaya ni Doraemon na iwan na lang si Nobita? Siyempre, hindi gagawin ni Doraemon yun. Kasi tunay siyang kaibigan. At para sa atin, iyon ang basehan ng pagiging tunay na kaibigan.

Ang hindi ka iwan sa kahit anong ginagawa mo.
Ang walang sawang pagpayuhan ka kahit na hindi ka nakikinig.
Ang patuloy na magbigay sa iyo, kahit na alam niyang makasasama sa iyo.
Ang patuloy na tumayo sa tabi mo, magsabi ng "Kung saan ka masaya.", kahit na alam niyang sa sarili niya ay tinatapakan na niya ang sarili nyang paniniwala.
At iyan nga ang tunay na kaibigan. Sana nga.

Pero sana tandaan mo, hindi tulad ni Doraemon:
Wala akong magic bulsa. Hindi ko kayang ilabas lahat ng hinihiling mo.
At isa pa.
Hindi ako robot. Madali akong malungkot at makaramdam.